LATEST NEWS‎ > ‎

2 BAGONG SILID-ARALAN BINASBASAN

posted May 10, 2011, 12:07 AM by Belinda Dizon

Noong Disyembre 11, 2011, nasaksihan ng lahat ang naganap na pagbabasbas sa mga bagong silid-aralan sa M. Delos Reyes Mem. Elem. School Annex sa pangunguna ni Rev. Edilberto Pomer, ang kura-paroko ng Puerto Rivas Ibaba.

Sobrang espesyal ang nasabing pagbabasbas dahil sa pagsisimula nito ay nagtanghal ng isang Musical Rendition ang mga miyembro ng Drum and Lyre Corps ng M. Delos Reyes Mem. Elem. School (Main).

Nagpakita ng kanilang kagalingan sa pagtugtog ang bawat miyembro at nakakaaliw panuorin ang bawat formation nila.

Matapos ito ay nagbigay ng isang bating pagtanggap si Gng. Violeta M. Mena, ang masipag na punungguro ng MRMES ANNEX. Dumalo din sina G. Fernando Cortez, ang EPS MSEP, Hon. Manuel Bustamante, ang kapitan ng Puerto Rivas Ibaba at walang iba kundi ang ating Ama ng Lungsod, Hon. Jose Enrique S. Garcia III. Lalo kaming nainspired sa mga pananalitang binitiwan ng aming mga panauhin.

Nagpakitang gilas din ang mga piling mag-aaral sa ikalimang baitang, sa patnubay ni Gng. Elizabeth Villanueva. Naghandog sila ng isang sayaw bilang pagtatapos sa unang bahagi ng nasabing programa.

 

Comments