LATEST NEWS‎ > ‎

ATHLETICS NAG-UWI NG PANALO SA DISTRICT CITY MEET 2010

posted May 10, 2011, 12:45 AM by Belinda Dizon

      

Sa kauna-unahang pagkakataon ay lumahok  an gating paaralan sa District City Meet 2010. Nagsali ng 12 na mag-aaral sa ikatlong baitang hanggang ika-anim na baitang sa larong Athletics sa ilalim ng pagsasanay ng kanilang magaling na coach na si Gng. Lutter M. Cubales. Sa pagparada pa lamang ay nababakas ang kasiyahan at kaba ng mga manlalaro natin. Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman mula kay Sir Ferrer at sinundan naman ng pagbibigay ng payo ni G. Cortez na hindi mahalaga kung ikaw ay mananalo o matatalo kundi kung paano ka lumaro at ibinigay ang iyong lahat ng makakaya, kasabay nang pagbigay ng hudyat ng pagsisimula ng laro.



Sinindihan ang simbolo ng pag-uumpisa ng laro na pinangunahan ng batang nagkamit ng gintong medalya sa nakaraang CLARAA 2009 na si Ehjay Lawrence Diwa, tunay na nakakataba ng puso pagkat siya din ay galing sa M. delos Reyes noong siya ay nasa Elementarya pa. Sinimulan na ang laro, at kahit na mga baguhan pa lamang sa larong  Athletics ay ipinakita pa rin ng ating manlalaro ang kanilang husay,galing at kaalamang natutuhan sa kanilang coach sa pakikipagtunggali sa ibat-ibang paaralan na lumahok. Hindi naman nabigo ang ating paaralan at nag-uwi pa rin tayo ng mga panalo. Narito ang mga batang nagwagi:Cries Mhae P. Santos ( Gr. VI) 2nd Place Shotput, 3rd Place Javelin Throw, Aris John M. Malibiran ( Gr.VI ) 3rd Place Javelin Throw, John Mar S. Macusi ( Gr. III) 2nd Place 800M. Tuwang –tuwa ang aming punong-guro sa pagkapanalo ng mga nasabing bata.


Comments