LATEST NEWS‎ > ‎

posted Feb 3, 2013, 12:52 AM by Belinda Dizon

VIVA PUERTO RIVAS ELEMENTARY!


Ngayong ika -2 taong anibersaryo na ating ipinagdiriwang, tayo po ay magbalik tanaw sa pinagmulan ng ating paaralan  bago ito naitatag bilang PUERTO RIVAS ELEMENTARY. Di lingid sa inyong kaalaman na ang ating paaralan ay dating Annex ng M. Delos Reyes na kung saan ay  buong katatagan at katapangang ipinamalas ng kauna-unahang guro dito na si Gng. Lutter M. Cubales na dating Bb. Morales ang unang baitang na binubuo ng 30 mag-aaral taong 2003-2004 na sinundan naman ni Gng. Marichie Enriquez taong 2004-2005. Di nagtagal ay patuloy na lumaki ang ating paaralan at nabuo mula I-VI na baitang at kinder taong 2010.

Sa patuloy na ipinakitang dedikasyon at kasipagan ng mga guro, mag-aaral at mga magulang , tayo ay lalong pinagpala dahil nagkaroon tayo ng mahusay, masipag at  higit sa lahat ay Maka-Diyos na pinuno kung saan siya ang kauna-unahang  punong –guro natin na si Gng. VIOLETA M. MENA.

  Di naglaon mula sa kanyang pamumuno ay pinangunahan niya ang pagkakaroon natin ng sariling pagkakakilanlan sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga stake holder hanggang sa inaaprobahan at pinagtibay ng Resolution no. 09. s, 2001 noong ika-24 ng Enero 2010 sa pamumuno ng ating ama ng Lunod ng Balanga Kgg. JOSE ENRIQUE GARCIA III at Sangguniang Panglungsod.

Ang M. delos Reyes Annex ay naging PUERTO RIVAS ELEMENTARY…

Ang mga paghihirap at mga pagsubok na pinagdaanan ng ating mahal na paaralan ay  patuloy na nagpapatatag at nagpapatibay sa atin upang magsilbing gabay para lalo pang mapaghusay at mapagbuti natin ang produkto ng paaralang ito.

Maswerte tayo sapagkat napunta sa atin ang episyente at nagsisilbing timon  ng ating paaralan, Napakahalaga rin ng papel na ating ginagampanan ,pagkat tayo ang nagsisilbing salamin nito. Kung anuman ang mga papuri at kapintasan na ating matatanggap ay makikilala 


 ang PUERTO RIVAS ELEMENTARY, kung kaya’t napakahalaga na sa bawat desisyon na ating gagawin ay atin munang pakaisipin.

Mahalagang ipukaw sa ating isipan na ang paaralang ito ay patuloy na lalaki at makikilala dahil sa ating pagtangkilik,pagmamalasakit at pagmamahal .

Kung kaya’t karangalan ng bawat isa sa atin na tayo’y mapabilang sa Paaralang Pinagpala…

Viva! Puerto Rivas Elementary!

Comments