LATEST NEWS‎ > ‎

PRES , Hindi Nagpahuli sa Math Contest In The Division

posted Feb 6, 2016, 5:04 AM by Belinda Dizon   [ updated Apr 13, 2016, 9:26 PM ]

                                                                                                                                    Isinulat ni Rodelio Bugay


        Nakuha ng tatlong mag-aaral ng Puerto Rivas Elementary School  ang mataas na ranking sa nakaraang Math Contest In The Division na ginanap sa Cupang Elementary School noong ika-8 ng Setyembre.

         Ito ay nilahukan ng mga pampubliko’t pribadong paaralan sa Dibisyon ng Balanga. Nakuha ni Joyce Apostol, mag-aaral ng Unang Baitang ang rank number 5 sa  Math Quiz. Pumuwesto naman si  Jelo Asaytono mag-aaral ng Ikalawang Baitang ang rank number 7 at nakuha naman ni Adrian M. Castro, mag-aaral ng Ikaanim na Baitang ang rank number 10.

             Hindi man naiuwi ng mga mag-aaral ang mataas na karangalan, pinatutunayan lamang nito na may ibubuga ang mga batang mag-aaral ng PRES pagdating sa larangan ng pagkukuwenta, Nakasisiguro na sa darating na mga araw ay makapag-uuwi na sila ng   karangalan. Tiyak na ipagpapatuloy nila ang maganda nilang nasimulan para sa ikalalago ng kanilang kaalaman at ang hangaring makapagbigay ng karangalan sa kanilang paaralan. Mag-aaral ng PRES Mabuhay Kayo!!!.





Comments