LATEST NEWS‎ > ‎

Regay at Nieves, Mr. at Miss Valentine, 2011 ng Annex

posted May 10, 2011, 12:28 AM by Belinda Dizon

 Matagumpay na naisakatuparan ang pagpili ng ating “Mr. at Miss Valentine 2011” sa pamamagitan ng “Ang Limang Piso mo,Ipirma mo Tulong sa Paaralan ko”. Naging masaya at kapanapanabik para sa mga batang kalahok at mga magulang ang nasabing patimpalak dahil  ito ang kauna-unahang Valentine Party na ginanap sa paaralan. Ang resulta, si Jhon Rheynand Regay at Erika R. Nieves ng ika-

anim na baiting ang nagwagi at pinangalawahan nina John Loyd Barata at Abegail Reyes ng unang baitang.

Nagkaroon ng munting programa ng pagkilala sa mga nagsipagwagi at nagpamalas ng kani-kanilang talento ang mga kandidato sa nasabing patimpalak.

Nagkaroon ng “Post Valentine Disco” pagkatapos ng programang ito at natapos sa ganap na ika-7:00 ng gabi.

 

Comments