Pasilidad sa
PRES, Patuloy sa Pagbabago
ni:
Adrian Castro
Sa hangaring lalong mabigyan ang ating mga mag-aaral ng isang
maayos at kaaya-ayang kapaligiran, patuloy ang ginagawang pagsasaayos sa ilang
pasilidad ng ating paaralan.
Kamakailan lamang ay ganap ng naisaayos ang ating Audio Visual Room, ito ay kwartong-laan
sa mga mag-aaral gamit ang mga makabagong teknolohiya, ito rin ang kadalasang
ginagamit na dausan ng mga seminars, meeting ng mga guro at ng komunidad. Dahil
sa malaking pagbabago, ang lahat ay tiyak na masisiyahan anumang
oras na sila ay magnais na
gamitin ito.
Isa pa sa
binigyang pansin ang pagsasaayos ng school ground. Nahihirapan ang mga mag-aaral
na ito ay daanan sa
tuwing umuulan dahil sa ito ay
lupa pa at lubak-lubak. Sa pagbabagong ito ang mga mag-aaral maginhawa ng nakakadaan dito at maayos na rin
silang nakapaglalaro.
Gng. ANA MARIA I. GARCIA, Pang-apat na Pang-ulong Guro ng P.R.E.S.
"Nandito ako, ang inyong bagong pang-ulong-guro, magiging kaisa ninyo sa
lalo pang ika-aangat ng ating mga mag-aaral,
ng ating paaralan at ng pamayanan,”
ito ang natanim sa aking isipan habang aking ginagawa ang lathalaing ito para
kay Ma’am Ana Maria I. Garcia. Higit
natin siyang kilalanin pa.
Unang
nasilayan ng aming punung-guro ang ganda ng mundo
noong ika-09 ng Disyembre, 1966. Ang kanyang mga
magulang ay sina G. at Gng.Edilberto Ingaran Sr. Nag-aral at nagtapos
siya ng elementarya sa Cupang.
Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng sekondarya
sa Tomas del Rosario at kumuha ng Bachelor of Elementary Education sa
Arellano University ng matapos
ang HighSchool. Naglingkod siya bilang isang guro sa loob ng 23 taon. Kahit sobrang subsob ang kanyang sarili sa pagtuturo sa
mga bata sa ika-anim na baitang, nagawa pa rin niyang ipagpatuloy ang
kanyang pag- aaral, at dahil na rin sa kanyang sipag at tiyaga,siya ay naging School Head
sa Tanato Elementary School sa loob ng 2 taon,
Bagama’t dedikado sa kanyang
pagtuturo, nabihag ang kanyang puso ni
Gerardo L. Garcia na siyang naging kabiyak ng kanyang puso.
Sa Kasalukuyan anim na buwan na siyang naglilingkod sa aming munting paaralan. Sa panahon ng kanyang pamumuno asahan na po natin ang pag-unlad at malaking pagbabago sa PRES.
City Simultaneous Earthquake Drill, PRES Nakiisa
ni: Edralyn
Malibiran
Isinagawa ang
Earthquake Drill noong ika-16 Hulyo sa PRES bilang pagsuporta sa
programa ng Siyudad ng ating Balanga sa pangunguna ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council(LDRRMC) upang ihanda ang mga guro at mag-aaral sakali
mang dumating sa atin ang mapanganib na sakuna.
Naging makatotohanan ang nasabing pagsasanay
dahil nasunod ang mga tamang alituntunin. Bago pa man ang
nasabing drill ang aming Punong-guro na
si Gng. Ana Maria I. Garcia ay nagbigay ng malinaw na impormasyon kaugnay ng
nasabing gawain. Sa pakikipagtulungan ng School Disaster Management Committee
ay maayos na iplano ang nasabing gawain dalawang araw bago ang aktwal.
Pagkatapos ng gawain ay nagkaroon ng ebalwasyon upang lalo pang
mapagbuti ang nasabing gawain sa hinaharap.
please check the document below for more news.....