LATEST NEWS‎ > ‎

UNANG PAGTATAPOS… Isagani T. Sabado, Hinangaan!

posted May 9, 2011, 11:30 PM by Belinda Dizon

                Tunay nga po na nagpalukso ng mga dugo ng mga manonood ang mga kababaryo ng ating naging panauhing tagapagsalita sa kauna-unahang pagtatapos ng mga mag-aaral, na ginawa sa ating paaralan.

 Maraming mga kabataan o mga bata ang hindi nakakakilala kay Isagani T. Sabado o kilala siya bilang Gani, dahil sa madalang siyang umuwi sa ating barangay, ayon nga sa kanya ang lugar ng ating paaralan ay ang pinagkukunan niya ng paros na kanyang ipagbibili upang magkaroon lamang siya ng baon, ngayon daw pala ay isang hulmahan ng karunungan ng mga kabataan.

         Ipinanganak noong Hulyo 10, 1967 nina Mamerto Sabado at Eusebia Torres, marami silang magkakapatid na kung saan tanging pangingisda lamangang pinagkukunan nila ng kabuhayan.Nagtapos ng elementary sa M.Delos Reyes Mem. Elementary School at sekondarya sa Bataan National High School na may mataas na karangalan at Bachelor of Commerce sa Bataan Heroes College.

Sa kasalukuyan, siya ang managing partner ng IT Sabado and Associates na matatagpuan sa Quezon City.Isa siyang Certified Public Accountant at Internal Auditor.

 Maituturing na isa siyang modelo ng ating mga kabataan.Saludo kami sa iyo Isagani!

Comments